home / online services /

About the Council

Ang Sanggunian ang gumagawa at nagpapasa ng mga ordinansa (parang mga batas na sa Bacoor lamang pwedeng implement o ipatupad) o resolution (dokumentong nagpapahayag sa opinyon ng mga kasapi ng Sanggunian sa iba’t-ibang bagay) na may kaugnayan sa pagpapatkbo sa ating lungsod. Bagamat hiwalay at independent sa Mayor’s Office, ang Sanggunian ay katulong ng Mayor sa approval ng annual budget (budget ng Lungsod kada taon), nagbibigay ng authority to sign (mga resolution na nagbibigay ng kapangyarihan kay Mayor na pumirma sa mga kontrata)  nag-approve sa mga ina-appoint ng Mayor na department heads (gaya ng City Engineer, City Treasurer, at iba pa), dumidinig sa kahit na anong bagay o reklamo na may kaugnayan sa ating Lungsod, at nag-aapruba ng land use and zoning regulations (mga patakaran tungkol sa kung paano pwedeng gamitin ang isang lote o gusali) na nakakatulong sa lalong pag-unlad ng Bacoor. Sa madaling salita, ang Sanggunian ang nagsisilbing check and balance sa kapangyarihan ng Mayor upang masiguro na makatanggap kayo ng maayos at matapat na serbisyo publiko.

Pamunuan

Presiding Officer

Ang tawag sa namumuno sa bawat regular o regular session ng Sanggunian at naniniguro na ang mga patakaran sa pagpasa ng mga ordinasa o resolution ay sinusunod ng mga miyembro ng Sanggunian. Ang Vice Mayor ng Lungsod ang inatasan ng batas na maging Presiding Officer ng Sanggunian.

Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola

Kasalukuyang Presiding Officer

President Pro Tempore

Ang tawag sa konsehal na hinalal ng kapwa niya konsehal upang tulungan ang Presiding Officer na siguruhin na ang mga ipinapasang ordinansa at resolusyon ng Sanggunian ay naaayon sa batas.

Councilor Reynaldo D. Palabrica

Kasalukuyang President Pro Tempore

Assistant Pro Tempore

Ang tawag sa konsehal na hinalal ng kapwa niya konsehal upang tumulong sa President Pro Tempore.

Councilor Catherine Sarino-Evaristo

Kasalukuyang Assistant Pro Tempore

Paano ginagampanan ng Sanggunian ang tungkulin nito?

Ang Sanggunian ay gaya ng isang bangka na may dalawang bangkero: hindi ito uusad kung ang pagsasagwan ng bawat bangkero ay papunta sa magkasalungat na direksyon. Dahil dito, pinipilit ng mga miyembro ng Sanggunian na magkasundo upang ang mga programa at proyekto ng Mayor ay maipatupad ng maayos.   Dahil sa ito ay isang collegial body, maaari lamang magpasa ng ordinansa o resolusyon tuwing may regular o special session (ang regular session ay nagaganap tuwing Lunes maliban kung ito ay pista opisyal; ang isang special session ay ipinapatawag ng Mayor o ng Presiding Officer kung kinakailangan pero hindi ito pwedeng maganap sa parehong araw kung kailan nagkaroon ng regular session). Pero bago maipasa ang ordinansa o resolution kailangan na ito ay dumaan muna sa isang committee meeting (pagpupulong ng mga konsehal na miyembro ng isang committee upang pag-usapan ang mga bagay na kailangan aksyunan ng committee), committee hearings (mga pagdinig kung saan imbitado lamang ang ilang tao na direktang apektado ng isang ordinansa o resolusyon), o public hearings (mga pagdinig na pinapatawag ng Sanggunian kaugnay sa isang panukalang ordinansa kung saan imbitado ang buong publiko). Hindi pwede na maipasa ang isang ordinansa o resolusyon kung walang naganap na hearing.

Sino-sino ang pwedeng magpanukala ng mga ordinansa at resolution?

Kahit sino ay pwedeng magpanukala ng isang ordinansa o resolusyon. Kahit ikaw. Magpadala ka lamang ng liham sa pamamagitan ng email, Philippine Postal Services, o courier (LBC, JRS, o FedEx) o kaya ay personal mong ihatid sa Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod (Office of the Sangguniang Panlungsod) na matatagpuan sa 2/F, Bacoor City Hall, Bacoor Government Center, Barangay Bayanan, Bacoor City Cavite. Ang anumang panukala mo ay pag-aaralan o diringgin ng Sanggunian. Yun nga lang, walang kasiguruhan kung ang iyong panukala ay maaaprubahan dahil aalamin pa kung ito ay naaayon sa batas o sa mga umiiral na regulasyon ng pamahalaan, kung ito ba ay makakabuti sa Lungsod, o kung may sapat na pondo ang city government upang ipatupad ang iyong panukala.   May reklamo ka ba laban sa inyong Punong Barangay o sinumang opisyal ng inyong barangay o ng City Government?   Kung meron, sumulat ka sa Sanggunian at ilahad mo ang iyong reklamo kasama ang iyong ebidensya (gaya mga dokumento, pictures, text messages o email) Umasa ka na ang iyong reklamo ay agad na aaksyunan ng Sanggunian

Members of the Council

Hon. Rowena Bautista-Mendiola

Hon. Catherine Sarino-Evaristo

Hon. Michale E. Solis

Hon.  Adrielito G. Gawaran

Hon. Victorio L. Guerrero Jr.

Hon. Alejandro F. Gutierrez

Hon. Levy M. Tela

Hon. Roberto L. Advincula

Hon. Reynaldo D. Palabrica

Hon. Reynaldo M. Fabian

Hon. Rogelio M. Nolasco

Hon. Alde Joselito F. Pagulayan

Hon. Simplicio G. Dominguez

Hon. Randy C. Francisco

Hon. Palm Angel S. Buncio

© 2018 Bacoor City Council. All rights reserved

The City of Bacoor is committed to open and honest government and strives to consistently meet the community’s expectations by providing excellent service, in a positive and timely manner, and in the full view of the public.

CONTACT:

Bacoor Government Center
Barangay Bayanan,  Bacoor City, Cavite

spsecretariatdocs@gmail.com