HOME/ONLINE SERVICES/COUNCIL MEMBERS

MEMBER’S PROFILE

“KAP BOK” ito ang karaniwang tawag ng lahat ng residente ng Barangay Mambog 1 kay Kapitan Rogelio Manahan Nolasco.

            Ang kanyang di matatawarang serbisyo, ang kanyang pangunahing prayoridad, hindi lang sa kanyang nasasakupan kundi pati na rin sa lahat mula pa noong 1991 hanggang sa ngayon.

            Si Kapitan Bok ay nagtrabaho bilang School Janitor sa Imus Institute noong 1965 hangang 1969, upang masuportahan ang kanyang pag-aaral at naging Factory Worker sa United Textile Mills, Inc. Pasig City. Noong 1980 ay nagging General Clerk sa Board of Investment (BOI), at Researcher sa Department of Trade & Industry (DTI) Makati, at Analyst sa Garment Textile Export Board (GTEB) Makati.

            Siya ay working student at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) Major in Marketing/Economics sa Philippine Christian University (PCU) noong 1981. Kumuha rin siya ng 9-units Master on Business Administration (MBA) na naging daan para siya ay makapagsimula ng isang maliit na negosyo.

            Nagtayo siya ng isang Real Estate Business at naging Insurance Agent noong 1982 hanggang sa ngayon. Noong 1994 siya ay kinasal sa kanyang butihing maybahay, Carmelita Odon Nolasco. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na si Rose Clarise Odon Nolasco.

            Dahil sa kagustuhan niya na makatulong sa kanyang pamayanan ay nagsimula siya bilang Kabataang Barangay sa Mambog noong 1970. Taong 1975, siya ay naging Barangay Tanod, Barangay Secretary at Barangay Kagawad noong 1980. Noong 1991 ay nahati ang Mambog sa limang (5) purok, at naging kapitan siya sa Mambog 1 simula 1991 hanngang 1995. Muling kumandidato at nanalo noong 1997 hanggnag 2010. Sa kanyang panunungkulan noong taong 2000, ang Mambog 1 ay nagwagi ng “Cleanest and Greenest Barangay”. Kasabay ang pagiging Drug Free Barangay award. Nagsilbi rin siya bilang miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) noong 1998 hanggang 2005.

            Pagkatapos ng dalawampung (20) taon ng Subok na Serbisyo bilang Punong Barangay, siya ay napili na maging Executive Director ng Family Care Development Office mula taong 2011 hanggang Oktubre 18, 2017 sa ilalim ng tanggapan ng Office of the Mayor at pagkatapos niyang magretiro ay pinagkalooban naman siya ng “Excellence Service Award”, nagtrabaho din siya bilang isa sa pinagkakatiwalaang kawani sa opisina ni Congressman Strike B. Revilla mula Oktubre 2017 hanggang Hunyo 2018.

            Noong May 14, 2018 Barangay Election siya ay kumandidato muli bilang Punong Barangay at muling nahalal. Sa loob ng apat na taon na pamumuno niya sa Barangay ay muli nyang naibalik ang mga programa na makakatulong sa pamayanan. Tumanggap din siya ng mga ibat-ibang parangal bilang Punong Barangay.

            At dahil sa tawag ng tungkulin ay muli siyang kumandidato at nanalo bilang Konsehal ng Lungsod ng Bacoor noong ika-9 ng Mayo, 2022 sa ilalim ng Partido Revilla sa pamumuno ni kagalang-galang Mayor Strike B. Revilla at ayon na rin sa kanyang “SERBISYONG SUBOk SA LAHAT NG PAGSUBOK” ay ipagpapatuloy din niya ang kanyang nasimulan hindi lamang sa Barangay Mambog 1 kundi pati na rin sa Lungsod ng Bacoor dala-dala ang pananaw at misyon ng sama-samang pagkakaisa, matahimik at maunlad na Lungsod ng Bacoor na pinamamahalaan ang isang komunidad na matatag, makakalikasan, mapagmahal sa maykapal at higit sa lahat ay ang adbokasiya niya na makatulong sa maayos at magandang mithiin ni Mayor Strike B. Revilla para sa pangangailangan ng bawat Bakooreño.

Hon. Rogelio M. Nolasco

Office of the Sangguniang Panlungsod
4th Floor Bacoor Legislative and Disaster Resiliency Building
Bayanan, Bacoor City, Cavite

PERSONAL INFORMATION

Date of Birth :
Place of Birth :
Civil Status   :
Citizenship   :

October 18, 1952
Bacoor Cavite
Married
Filipino

EDUCATIONAL ATTAINMENT

TERTIARY

Philippine Christian University/
B.B.A. Mktg./Eco.

SECONDARY

Imus Institute

PRIMARY

Imus Elementary School

TRAINING ANG SEMINAR:

• Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP)/Adolescent Health and Development (AHD) Program.
– March 22, 2022

• Embracing Change and Transformation for the Barangay Local Government Units of the City of Bacoor.
– March 14-16, 2022

• Barangay and SK Officials Gender & Development (GAD) Mainstreaming Child Protection, Disaster Preparedness & Peace & Order.
– July 23-25, 2019

• Alagang Ate Lani First 1,000 Days of Life Program Orientation Seminar and Planning Workshop.
– March 12-14, 2019

• Barangay Newly Elected Officials (BNEO) Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays Orientation.
– September 11-13, 2018 

WORK EXPERIENCE

City Councilor


Punong Barangay

Executive Director


Punong Barangay


ABC Secretary


Member


Barangay Secretary


Barangay Councilman


Assistant Researcher


Clerk II


Barangay Tanod


Kabataang Barangay
Local Government of Bacoor 2022-Present

Brgy. Mambog 1 2018-2022

Family Care & Development Center 2010 – 2017

Brgy. Mambog 1, Bacoor City 1991-1995/1997-2010

Association of Barangay Captain (ABC)

Peoples Law Enforcement Board (PLEB)

Brgy. Mambog, Bacoor City, Cavite 1989-1991

Brgy. Mambog, Bacoor City, Cavite 1987-1989

Department of Trade & Industry (DTI) 1980 – 1981

Board of Investments (BOI) 1972 – 1980

Brgy. Mambog, Bacoor City, Cavite 1975-1980

Brgy. Mambog, Bacoor City, Cavite 1970

AWARDS RECEIVED: (as Barangay Captain)

• Drug Free Barangay Award
• Most Outstanding Barangay Award
• Cleanest and Greenest Barangay Barangay 2000 Award

(PERSONAL AWARD)

Certificate of Excellent Service 2017
Family Care Development Center, City of Bacoor, Cavite.

SANGGUNIANG PANLUNGSOD ASSIGNED COMMITTEE

• Committee Chairman, Finance, Budget & Appropriation
• Committee Chairman, Information and Communication Technology
• Vice Chairman, Education, Science & Technology
• Vice Chairman, Tourism, Culture & External Linkages
• Vice Chairman, Women, Children & Family Relations
• Member, Barangay Affairs
• Member, Public Works & Highways
• Member, Research & Development

Members of the Council

Hon. Rowena Bautista-Mendiola

Hon. Catherine Sarino-Evaristo

Hon. Michale E. Solis

Hon. Adrielito G. Gawaran

Hon. Victorio L. Guererro Jr.

Hon. Alejandro F. Gutierrez

Hon. Levy M. Tela

Hon. Roberto L. Advincula

Hon. Reynaldo D. Palabrica

Hon. Reynaldo M. Fabian

Hon. Rogelio M. Nolasco

Hon. Alde Joselito F. Pagulayan

Hon. Simplicio G. Dominguez

Hon. Randy C. Francisco

Hon. Palm Angel S. Buncio

© 2018 Bacoor City Council. All rights reserved

The City of Bacoor is committed to open and honest government and strives to consistently meet the community’s expectations by providing excellent service, in a positive and timely manner, and in the full view of the public.

CONTACT:

Bacoor Government Center
Barangay Bayanan,  Bacoor City, Cavite

spsecretariatdocs@gmail.com